BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS IN FOCUS

Bangko Sentral ng Pilipinas on the 100-peso bill (Image by Wikipedia)

Bangko Sentral ng Pilipinas o kilala rin sa katawagang BSP.  Ang pangasiwaan ng sentrong pananalapi ng bayan.

Ano ba ang ibig sabihin nito?

Alam ng lahat na ang mga salaping ating nahahawakan ay nagmumula sa kanilang tanggapan.

Perang nagpapaikot sa ekonomiya.

At nagsisilbing pambili ng payak na pangangailangan, maging ng ating kalayawan.

Bukod kaya dito, ano pa ba ang kanilang mga tungkulin sa atin?

Kailan lang ay nagkaroon ng problema ang isang bangko… Ang Banco Filipino, na humantong sa pagsasara nito.

Ayon sa mga opisyal ng Banco Filipino, hindi raw dapat magsasara ang bangko dahil hindi naman ito kulang sa capital upang patakbuhin ang operasyon.

Nasira lamang umano ang kanilang imahe sa publiko dahil sa mga hindi magandang sinambit ng Bangko Sentral. Nagkulang nga kaya ang BSP sa pag-intindi sa pangangailangan ng nasabing bangko o tama lamang ang kanilang mga naging hakbang para hindi na lumaki pa ang sunog sa sector ng pananalapi ng bansa?

Naipakita ba sa pagkakataong ito kung gaano kalaki ang papel ng BSP na maaaring magdikta kung mananatiling butas o malusog ang bulsa ng sambayanan?

Participate on our discussion LIVE! on May 06, 2011 – Friday

with Guests: Atty. Alan Paguia and Atty. Perfecto Jun Yasay

via YAHOO!

  • ym ID 1:      polwatch_untv
  • ym ID 2:      pollwatch_untv

via FACEBOOK

  • www.facebook.com/politicalwatch.untv
  • www.facebook.com/pollwatch

via TWITTER

  • www.twitter.com/polwatch_untv
  • www.twitter.com/pollwatch

YOU CAN ALSO WATCH POLITICAL WATCH ANYWHERE IN THE WORLD FOR FREE VIA FREE WEBCAST. JUST VISIT…. WWW.UNTVWEB.COM


” Kung Gusto mo ng Pagbabago…MAGBANTAY ka!…”

**********************************************************************************

Posted in UNTV | Tagged , , , | Leave a comment

OFW IN CRISIS

Mga Filipino repatriates mula sa bansang Libya. (Image by: UNTV News)

Mga Filipino repatriates mula sa bansang Libya. (Image by: UNTV News)

Tulong!

Iyan ang sigaw ngayon ng ating mga kababayan mula sa apat na sulok ng mundo.

Sa New Zealand… sa Taiwan … sa Tsina… Sa Gitnang Silangan at sa Northern Africa

Daan libong mga bagong bayani ang ngayo’y nanganganib dulot ng iba’t-ibang dahilan na ang iba ay wala naman tayong kinalaman.

Tulad na lang ng kaguluhan sa Libya at ang muling pamumuo ng tension sa Korea.

Ang lindol sa New Zealand kung saan may mga pinoy din na naputulan ng hininga.

Dagdag pa ang problemang hatid ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng ating bansa at ng Taiwan at Tsina.

Ano ba ang ginagawa at dapat pang gawin ng ating mga opisyal para maibsan ang kanilang dinaranas na paghihirap sa ibayong dagat.

Nag-uumpisa nang magdatingan nitong linggo lamang ang ilang mga sinaklolohan, ngunit marami pa ang naiwanan at hindi natatagpuan.

Biktima ba sila ng aksyong mayroon daw kabagalan?

O nadadamay dahil kulang sa kaalaman ang  ating mga kinauukulan sa mga istratehiyang maglalayo sa kanila sa kapahamakan?

Habang ang ibang kababayan natin ay piniling manatili sa kanilang kinaroroonan sa gitna ng digmaan, mayroon din namang ninais nang bumalik ditto sa Pilipinas kahit na ang bulsa ay walang laman.

Paano nga ba natin sila matutulungan kung mananatiling ang pinapangarap nilang buhay ay hindi naman nila makamtan sa sariling bayan?

Participate on our discussion LIVE! on March 04, 2011 – Friday

via YAHOO!

  • ym ID 1:      polwatch_untv
  • ym ID 2:      pollwatch_untv

via FACEBOOK

  • www.facebook.com/politicalwatch.untv
  • www.facebook.com/pollwatch

via TWITTER

  • www.twitter.com/polwatch_untv
  • www.twitter.com/pollwatch

YOU CAN ALSO WATCH POLITICAL WATCH ANYWHERE IN THE WORLD FOR FREE VIA FREE WEBCAST. JUST VISIT…. WWW.UNTVWEB.COM


” Kung Gusto mo ng Pagbabago…MAGBANTAY ka!…”

=================================================

Posted in Uncategorized, UNTV | Tagged , , , , | Leave a comment

IMPEACHMENT CASE VS MERCI: “GO” NA O “NO” PA?

 

Ombudsman Merceditas Gutierrez is facing inevitably the continued impeachment hearing at the House Committee of Justice under the chairmanship of 5th District Iloilo Representative Neil Tupas Jr. after the recent ruling of Supreme Court. (Photo Credit: UNTV News and Resue Team)

Sa botong 7-5-2 and 1, pinayagan na ang kataas-taasang hukuman ng bansa na ipagpatuloy ng Kamara De Representantes ang pagdinig sa impeachment case laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Ayon sa desisyon ng Supreme Court, walang nilabag na probisyon sa ating Saligang Batas ang paghahain ng dalawang impeachment complaints sa loob lamang ng isang taon sapagka’t ang mga ito naman ay tinalakay sa iisang pagdinig lamang.

Pinagbasehan ng mga grupong Bayan at Akbayan sa kanilang impeachment complaint ang hindi umano pag-aksyon ng opisina ni Ginang Gutierrez sa mga malalaking kaso kung saan sangkot di umano ang unang pamilya ng nakaraang administrasyon kasama ang mga malalaking kaso tulad ng NBN-ZTE Deal, Fertilizer Scam, Euro-Generals at ang sinasabing Mega Pacific Deal anomaly.

Bagaman “Green and Go” nang muli ang proseso ng impeachment case, kung desisyon ng Korte Suprema ang pagbabasehan, nagkaroon naman ng hindi pagkakakisa ng pananaw sa Kamara.

 

Representative Neil Tupas Jr., chairman of House Committee of Justice has assured that the impeachment hearing will push through even if Mercedita Gutierrez will file Motion for Reconsideration. (Photo by: UNTV News and Rescue Team)

Habang init na init na si House Committee on Justice Chairman, Representative Neil Tupas Jr., na muli nitong simulan, si House Speaker Feliciano Belmonte naman ay hindi raw ito papayagan.

While Representative Tupas wants to resume as soon as possible, House Speaker Sonny Belmonte Jr., would rather want to wait for the final rulling of from the Supreme Court regarding the continuation of Ombudsman Gutierrez impeachment hearing. (Photo Credit: UNTV News and Rescue Team)

Kailangan daw munang hintayin ng Kamara ang pinal na desisyon ng Supreme Court bago pa muling kumilos ang Kamara sa kaso ni Merci.

Saan na nga ba didiretso ang kasong ito?

Impeachment case versus Ombudsman Merceditas Gutierrez…”GO” na o “NO” pa?

 

Participate on our discussion LIVE! on February 18, 2011 – Friday

via YAHOO!

  • ym ID 1:      polwatch_untv
  • ym ID 2:      pollwatch_untv

via FACEBOOK

  • www.facebook.com/politicalwatch.untv
  • www.facebook.com/pollwatch

via TWITTER

  • www.twitter.com/polwatch_untv
  • www.twitter.com/pollwatch

YOU CAN ALSO WATCH POLITICAL WATCH ANYWHERE IN THE WORLD FOR FREE VIA FREE WEBCAST. JUST VISIT…. WWW.UNTVWEB.COM


” Kung Gusto mo ng Pagbabago…MAGBANTAY ka!…”

——————————————————————————-

Posted in Uncategorized, UNTV | Tagged , , , , , , | 3 Comments

WHISTLEBLOWER ACT OF 2010: BAKIT NGAYON KA LANG?

 

AFP Scam Whistleblower Retired Colonel George Rabusa receives a goodbye kiss from Senator Mirriam Defensor Santiago as the latter leaves the hearing. (Photo Credit: UNTV News) www.untvweb.com

Sa harap ng kaliwa’t kanang imbestigasyong nagaganap tungkol sa sinasabing katiwalian sa bansa, hindi maikakaila na ang susi ng tagumpay ay nasa dami ng lalabas na saksi at lakas ng ebidensya sa mga pangyayari.

Alam na nating lahat kung papaano nagiging isang Public Figure ang isang ordinaryong tao sa oras na umupo ito bilang saksi sa isang imbestigasyon. Kakambal nito ang peligrong siguradong susuungin niya at ng kanyang pamilya sa pagpapailanlang sa nasabing aktibidad.

NBN-ZTE Deal Whistleblower Rodolfo Jun Lozada. (Photo Credit: UNTV News) www.untvweb.com

Lakas ng loob ang nagiging baon ng bawat witness na umaasa rin sa proteksyong maibibigay ng pamahalaan bilang ganti sa kanilang katapangan.

Ngunit ano nga ba ang nakapaloob sa  Witness Protection Program na ipinatupad ng Department of Justice?

Jueteng Scandal Whistleblower Sandra Cam being interviewed at GET IT STRAIGHT with DANIEL RAZON. (Photo Credit: Get It Straight with Daniel Razon) www.untvweb.com

Sapat na ba ito upang makahikayat na lumabas at makapagpalakas ng loob ng mga taong may nalalaman sa anomalyang sumisira sa tuwid na daang nais nating tahakin?

Inaasahan ng taumbayan na mabibigyan ng sapat na pansin ng ating mga kinatawan ang pangangailangan ng batas na masasandalan at nagdarasal na sana’y ang kanilang aksyon ay hindi abutin ng pagsasarado ng sesyon ng ika-labinlimang kongreso.

 

COMELEC Ballot Secrecy Folder Scam Atty. Melchor Magdamo being interviewed by Mr. Public Service Kuya Daniel Razon. (Photo Credit: Get It Straight with Daniel Razon) www. untvweb.com

Sa kasalukuyan ay nakahain sa Kamara De Representantes ang House Bill 132 o Ang Whistleblower Act of 2010.

Maipapasa kaya ito ng mabilisan?

Ito na ba ang pundasyon na kinakailangan upang maproteksyunan ang interes ng sambayanan?

Hindi kaya ito mapagkaisahan ng mga taong ayaw maimbestigahan mula sa iba’t-ibang sangay ng pamahalaan?

Participate on our discussion LIVE! on February 11, 2011 – Friday


via YAHOO!

  • ym ID 1:      polwatch_untv
  • ym ID 2:      pollwatch_untv

via FACEBOOK

  • www.facebook.com/politicalwatch.untv
  • www.facebook.com/pollwatch

via TWITTER

  • www.twitter.com/polwatch_untv
  • www.twitter.com/pollwatch

YOU CAN ALSO WATCH POLITICAL WATCH ANYWHERE IN THE WORLD FOR FREE VIA FREE WEBCAST. JUST VISIT…. WWW.UNTVWEB.COM


” Kung Gusto mo ng Pagbabago…MAGBANTAY ka!…”

——————————————————————————-

Posted in Uncategorized, UNTV | Tagged , , , , | Leave a comment

“UNIFORMED” CORRUPTION

 

Senate Hearing on the Plea Bargain Deal between the Ombudsman and Ex-AFP Comptroller Carlos Garcia and the alleged corruption in the AFP. Ex-Ombudsman Simeon Marcelo (on the lower right of the picture) explains in front of the Senate Blue Ribbon Committee headed by Senator Teofisto Guingona III. (Image by: UNTV News and Rescue Team)

Kasalukuyan tayong pinuputakti ng mga balitang may kinalaman sa di-umano’y nangyayaring hindi maaayos na pinaglalagyan ng pondo ng pamahalaan.

Perang nanggagaling sa buwis na ating binabayaran.

Noong nag-uumpisa ang kanyang administrasyon ay mismong si Pangulong Noynoy Aquino ang nagbunyag ng hindi makatarungang nagtataasang mga suweldo at napakaraming bonus na tinatanggap ng ilang opisyal sa mga Government-Owned and Controlled Corporations o GOCC, habang nagtitiis ang ordinaryong obrero sa kakarampot na sweldo.

Nililinis na raw ang “LAGAYAN” sa Bureau of Customs at BIR. Ngunit sobrang lalim na yata ang ugat ng kurapsyon sa mga nasabing kawanihan kung kaya’t hindi pa masawata ang ganitong uri ng kalakalan.

As she lives the hearing, Senator Mirriam Defensor-Santiago kisses Retired Colonel George Rabusa, the whistleblower of the culture of corruption in the AFP called "PABAON" and "PASALUBONG". (Image by: UNTV News and Rescue Team)

At nito ngang mga nakaraang linggo ay muli na namang sumingaw ang nangyayaring malakihang pangungulimbat daw ng salapi sa sandatahang lakas ng Pilipinas.

Ito ay namutawi mismo mula sa mga labi ng datin kasapakat sa nasabing gawain — si Retired Colonel George Rabusa. Marami ang napanganga sa mga pigurang inilabas nya — Php.50 Million, Php.80 Million at Php.100 Million.

 

It all started at the Plea Bargain Deal between the OMBUDSMAN and the Former AFP Comptroller Gen. Carlos Garcia. Now, the issue grew to the PABAON and PASALUBONG system of corruption in the AFP. It also drew whistleblowers involved which confirms to the accusations and rumors. (Image by: UNTV News and Rescue Team)

Pabaon daw sa paalis na Chief of Staff, bukod pa sa Php. 5 Million monthly allowance ng mga ito. Halaga ng salapi na imposibleng kikitain ng ordinaryong obrero sa buong buhay ng kanyang pagtratrabaho.

Ang testimonya ni Col. Rabusa ay pinagtibay pa ng isang aktibong miyembro ng sandatahan na si Col. Antonio “Sonny” Lim na dating staff sa opisina ng AFP Comptrollership. Sa pagdinig kahapon sa senado (Feb.03,2011) tungkol sa sinasabing Hocus Pocus sa AFP, muling tumulo ang luha ng resource person na nagtrabaho sa Commission on Audit na si Heidi Mendoza at humiling na huwag na muna siyang muling pagsalitain sa Blue Ribbon Committee.

 

Former State Auditor of COA Mrs. Heidi Mendoza, now auditing the COA on the Plea Bargaining Deal with former AFP Comptroller Gen. Carlos Garcia. (Image by: UNTV News and Rescue Team)

Tila sumusuko na si Aling Heidi sa bigat na dala ng kanyang pagsasalita sa nasabing komite. Ang pagkakadiskubre ba sa mga anomalyang ito ay dahil tuwid na daan ang tinatahak ng ating gobyerno o dahil sa puno na ng katiwalaan sa pamahalaan kaya hindi na maiwasang may tumapon mula sa lalagyan?

Participate on our discussion LIVE!

on February 04, 2011 – Friday via YAHOO!

  • ym ID 1:      polwatch_untv
  • ym ID 2:      pollwatch_untv

via FACEBOOK

  • www.facebook.com/politicalwatch.untv
  • www.facebook.com/pollwatch

via TWITTER

  • www.twitter.com/polwatch_untv
  • www.twitter.com/pollwatch

YOU CAN ALSO WATCH POLITICAL WATCH ANYWHERE IN THE WORLD FOR FREE VIA FREE WEBCAST. JUST VISIT…. WWW.UNTVWEB.COM

” Kung Gusto mo ng Pagbabago…MAGBANTAY ka!…”

=================================================

Posted in Uncategorized, UNTV | Tagged , , , , , , , , , , , , , , | 1 Comment

BOMBA SA SENADO AT KALSADA

 

January 23-29, 2011 --- A week less ordinary, perhaps, to Aquino Administration. Coming from week of tainted with Carjacking-killing and expositions of anomalies and corruptions in the Government, this week two major explosions happened --- one on the street and another on the Senate. While the authorities haven't pinpointed the culprits of the bus blast, the undaunted Retired Lt. Col. George Rabusa detonated a "bomb" against Ex-AFP Chief of Staff Angelo Reyes for receiving "P50-Million send-off gift" prior to retirement. ( Photo Credit: UNTV News and Rescue Team ) www.untvweb.com

Naging saksi ang publiko sa dalawang malalaking kaganapang nangyari ngayong linggong lamang.   Una, lima ang namatay at mahigit sa sampu ang nasugatan sa pagsabog na nangyari sa isang pampasaherong bus nito lamang nakaraang araw. Dahil dito ay sari-saring ispekulasyon ang naglalabasan. Bukod sa terorismo, may mga nagsasabing umpisa raw ito ng destabilization plot sa kasalukuyang pamahalaan, kahit pa nga ang sabi ng mga kinauukulan, Abu Sayaff daw ang may kasalanan.

 

January 25, 2011, Tuesday. At around 2pm, an explosion took place inside a Newman Goldliner bus while transporting passengers on northbound EDSA-Buendia, Makati. This chaos claimed the lives of 5 and injured 13 people. (Photo Credits: UNTV News and Rescue Team) www.untvweb.com

Hindi pa man lubos na natatapos ang imbestigasyon sa insidenteng ito, ibang klase naman ang bomba ang pinasabog sa Senado. Ang AFP daw, may kultura ng kurapsyon na kung tatawagin ay “Pabaon”? Ito ang umalingasaw sa unang araw pa lamang ng pagdinig ng Plea Bargaining Agreement sa pagitan ng dating AFP Comptroller Major General Carlos Garcia at ng Office of the Ombudsman.

 

On Photo: (Leftmost) Ex-AFP Chief of Staff Angelo Reyes, (Rightmost) Ex-AFP Comptroller Carlos Garcia. January 27, 2011, Thursday--- On what was supposed to be hearing for the Plea Bargaining Agreement between the Office of the Ombudsman and Former AFP Comptroller Carlos Garcia, the supposed-to-be-resource-person Angelo Reyes turned out as the center of another controversy --- the "PABAON" system of corruption in the Army as exposed by Ex-Lt.Col. George Rabusa. (Photo Credit: UNTV News and Rescue Team) www.untvweb.com

Sa dalawang nakababahalang pangyayaring ito, tila bitin ang publiko sa mga impormasyong nakuha mula sa mga kinauukulan. May mahuhuli kaya sa mga sinasabing nagpasabog ng bomba sa bus hanggang ito’y mamasada? At sa dinami-dami na ng mga kasong binusisi ng Senado, hindi kaya tulad ng mga nagdaan — sa huli, ay wala ring kahihinatnan itong imbestigasyong kinasasangkutan ni Garcia at ng Office of the Ombudsman?   Participate on our discussion LIVE! on JANUARY 28, 2011 – Friday via YAHOO!

  • ym ID 1:      polwatch_untv
  • ym ID 2:      pollwatch_untv

via FACEBOOK

  • www.facebook.com/politicalwatch.untv
  • www.facebook.com/pollwatch

via TWITTER

  • www.twitter.com/polwatch_untv
  • www.twitter.com/pollwatch

YOU CAN ALSO WATCH POLITICAL WATCH ANYWHERE IN THE WORLD FOR FREE VIA FREE WEBCAST. JUST VISIT…. WWW.UNTVWEB.COM

” Kung Gusto mo ng Pagbabago…MAGBANTAY ka!…”

=================================================

Posted in Uncategorized | Tagged , , , , , , , | 1 Comment

CHA-CHA NA NAMAN?!?

 

House Minority Leader Representative Edcel Lagman leads the pack of the congressmen who wants ammendments on 1987 Constitution. (PHOTO By: UNTV News) www.untvweb.com

Buo ang suporta ng dalawampu’t siyam na miyembro ng Minorya ang pinamumunuaan ni Albay Representative Edcel Lagman sa House Resolution No.8 na nagsusulong sa pag-aamyenda ng 1987 Constitution.

 

Former President Gloria Macapagal Arroyo, now Representative of Pampanga 2nd District passed the House Bill No.8 calling for Charter change ... or revision of the 1987 Constitution. Also on the picture is House Minority Leader Representative Edcel Lagman, who supports the CHA-CHA Bill. (PHOTO By: UNTV News) www.untvweb.com

Ang nasabing resolusyon ay isinumite ni dating presidente na ngayo’y kinatawan na ng 2nd District ng Pampanga, Representative Gloria Macapagal Arroyo sa unang araw ng sesyon ng kamara.

Matatandaang sa huling mga taon ng panunungkulan ni dating Pangulong Fidel Ramos ay nag-umpisa na ang pagnananais na palitan, kundi man ay baguhin ang ilang probisyon sa ating konstitusyon ngunit hindi makalusot sa plenary dahil na rin sa malakas na pagtutol ng taumbayan sa usaping ito.

It was on the last years of the governance of the Former President Fidel V. Ramos when the issue of revising the 1987 Constitution started. ( PHOTO CREDIT: wikipedia.org )

Sa pagbubukas na muli ng 15th Congress, bagaman hindi raw prayoridad ng Lehislatura ang naturang panukala, ayon kay Speaker Belmonte, maaasahan pa rin natin ang patuloy na pag-iingay ng mga nagtutulak dito.

Usaping CHA-CHA sa Administrasyong Ramos… Estrada… mas mainit pa sa pamahalaang Arroyo ay ngayo’y aaryang muli sa panunungkulan ni Presidente Noynoy Aquino.

Ano ba ang nasa CHA-CHA at hindi na matapos-tapos ang usaping ito… Hindi mawala-wala ang pagtatangkang ipasa sa kamara…

Kaya naman ang mga sigaw ng ating mga kababayan… “ CHA-CHA na naman?!? ”

Participate on our discussion LIVE! on JANUARY 21, 2011 – Friday

via YAHOO!

  • ym ID 1:      polwatch_untv
  • ym ID 2:      pollwatch_untv

via FACEBOOK

  • www.facebook.com/politicalwatch.untv
  • www.facebook.com/pollwatch

via TWITTER

  • www.twitter.com/polwatch_untv
  • www.twitter.com/pollwatch

YOU CAN ALSO WATCH POLITICAL WATCH ANYWHERE IN THE WORLD FOR FREE VIA FREE WEBCAST. JUST VISIT…. WWW.UNTVWEB.COM


” Kung Gusto mo ng Pagbabago…MAGBANTAY ka!…”

Posted in UNTV | Tagged , , , , , , , , , , , , , , | 1 Comment